Sabado, Oktubre 8, 2016

Paglipas ng Panahon

Paglipas ng Panahon

(Pastoral na tula)


Mga araw ko bilang isang mag aaral
Sa una ka'y hirap mawalay kay inay
Punong puno ng lungkot pusong kong takot
Dahil sa mga bagong mukang aking nasilayan
Paglipas ng panahon natutong tanggapin ang katotohanan
Na darating ang oras na ako'y mawawalay sa aking inang mahal
Mga mukang kinakatakutan ngayo'y pinapahalagahan
Lungkot na aking nadama ngayo'y sayang walang katumbas 
Paaralan kong nagsilbing tahanan pinagmamalaki ko at buong pusong pinapasalamatan

                                                                                               - Leyalyn Coro

Biyernes, Setyembre 23, 2016

Tao bilang Isang Lapis

                                  Tao bilang Isang lapis 

 
                Ano nga ba ang katangian o nagagawa ng isang lapis?Paano nga ba natin to maihahalintulad sa buhay natin bilang isang tao?
               Ang lapis ay nagagamit na isang panulat at mayroon itong pambura na unti unting nauubos sa tuwing pasulit ulit na nag kakamali.
               At maihahalintulad ko ito sa buhay nating mga tao,dahil tayo mismo ang gumagawa o sumusulat ng ating tadhana.Kung isusulat ba na natin ito ng masama o sa mabuti,minsan nga di natin napapansin na sobra na pala ang nagagawa natin at kadalasan ay mali ang mga ito sa paningin ng ibang tao.Syempre kailangan nating itama ang ginawa nating mali sa paraang buburahin natin ito at papaltan ng tama sa tulong syempre ng ating sarili.
               Ngunit di lahat ng tao nais itama ang kanilang mali mas gusto na nila kung anong nagpapasaya sa kanila at hayaan na lamang na lamang ang mga ito.Dahil na rin sa paulit ulit nating pagkakamali pati tiwala ng ibang tao ay nauubos na din at nawawalan na tayo ng pag asang itama ang mga kamaliang nagawa natin sating buhay.Tulad ng pangbura sa isang lapis sa kapag paulit ulit mong ginagamit napupudpod at nauubos na ito.Dahil alam din natin na wala ng silbi ang lapis kung wala nang pambura,tulad sa isang tao wala ng kwenta ang kanyang ginagawa kung wala ng taong nag titiwala sa kanya.

                                                                       -Leyalyn Coro

Takot saking Damdamin

                                              Takot saking Damdamin
       
              Kanilang mga matang sakin nakatingin
              Takot ang pumasok saking damdamin
              Kasama ang kanilang ngipin na mangangagat
              Kaya't ulo koy di maiangat
              Bungisngis nilang tila
'y walang katulad
              Kaya aking damdamin di mailahad
              Naturingang aking bayan sya pang kinakatakutan



                                                                                              -Leyalyn Coro